• Malou Manuel

GAB, DOH at PSC, Nagsanib Puwersa para Bigyang Pag-asa ang mga Atletang Pinoy


Nakahanda ang Games and Amusement Board na makipagtulungan sa Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng DOH, na nakasentro sa programa upang labanan ang COVID-19 at maiahon ang mga Pinoy pro athletes at iba pang lisensiyadong individual sa pro sports.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, umapela ang ahensiya, kasama sina Commissioner Ed Trinidad at Mar Masanguid upang maibalik unti-unti ang kabuhayan ng sector ng professional sports na apektado din sa ipinatupad na quarantrine.

Batay sa datos ng GAB, may 18 pro sports event ang natigil sa loob ng tatlong buwang pakikipaglaban ng pamahalaan para sa pandemic.

Pinadala ng GAB kamakailan ang 59-pahinang dokumento sa IATF na naglalaman ng mga suhestyon para maibalik ang pro sports alinsunod sa medical at safety protocols ng GAB Medical Section, Boxing at iba pang combat sports division, Professional basketball at iba pang pro games division, horse betting division, Philippine Football Federation, Philippine Basketball Association, boxing promoters at managers.

Malugod namang tinanggap ng IATF ang mga dokumento na binigyan ng pagkakataon si Mitra na ipaliwanag sa online video teleconferencing.

Ginamit ng GAB ang apat na ‘virtual simulators’ upang maipakita ang posibleng kaganapan sa muling pagbabalik ng PBA workouts at football games alinsunod sa proposed health and safety procedures.

Inutusan ng IATF si Mitra na makipag-ugnayan sa DOH Technical Working Group upang magawa ang ‘draft’ para sa “Joint Administrative Order for the purpose of promulgating health and safety protocols for professional sports in accordance with the existing minimum health and safety guidelines published by the DOH”.

.

"Whatever decision that the IATF will make, we will surely support and follow them," pahayag ni Mitra.

Kabilang sa nakibahagi sa telecon at nakarinig sa pahayag ng GAB sina IATF Chairperson and DOH Secretary Francisco Duque, gayundin sina IATF Co-Chairperson Secretary Karlo Nograles, DILG Secretary Ano, DICT Secretary Gringo Honasan, DOLE Secretary Belo, at iba pang miyembro ng IATF.