• Malou Manuel

GAB, Naghihintay sa Go signal ng IATF para sa Pagbabalik ng Sabong


Naniniwala si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na papayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik ng sabong sa lalong madaling panahon.

Iginiit ni Mitra na naisumite na ng GAB sa tulong ng Department of Health (DOH) nitong October 7 sa IATF Technical Working Group ang pinahigpit na ‘health and safety’ protocol para sa pagbabalik ng sabong sa bansa, higit sa mga lugar na may mababa nang level ng quarantine status.

Kabilang ang sabong sa sektor na nasa pangangasiwa ng GAB na isinulong sa agarang pagpapabalik nitong Hulyo na humuhupa na ang kaso ng covid19 pandemic.

Napayagan ang pagbabalik ng professional basketball, football, boxing at iba pang contact sports, gayundin ang horseracing sa ayuda ng PHILRACOM.

“We have a series of online meeting with the IATF Technical Working Group for the return of sabong. After the National Economic Development Authority (NEDA) decided that our request for the return of sabong is more on healthy issue than economic, tumakbo na rin kami sa DOH para humingi ng tulong sa technical side para sa mas mahigpit na ‘health and safety’ program,” pahayag ni Mitra.

“Nagpapasalamat po tayo sa tulong at suporta ng mga Breeders Association, Gamefowl Association at iba pang indibidwal na involved sa industriya, tulad ni Cong. Sonny Lagon para patuloy na maiangat ang sabong sa gitna ng pandemic,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.

Ayon sa datos ng GAB kabuuang 16,173 ang lisensiyadong cockpit personnel kabilang ang mananari, senticiador at manggagamot ang natigil sa kanilang hanap-buhay sa pansamantalang pagsasara ng mga sabungan sa bansa mula pa nung Marso.

Sa aspeto ng kabuhayan, sinabi ni Mitra na sumadsad ang industriya, gayundin ang mga nagtatarabaho dito. Sa inilabas na datos ng Gamefowl Commission and UACOOP, may kabuuang 18, 800 ang mga empleyado na konektado sa industriya.

Sa Internal Research ng San Miguel Corp. may kabuuang 15,000 tindahan ng mga gamot, patuka at bitamina ang tinamaan ng pandemic, kaakibat nito ang kabuuang 60,000 empleyado sa buong bansa.

Iniulat naman ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA) na kabuuang 200,000 employee sa mga farms sa buong bansa ang apektado sa kanilang kabuhayan." umaasa kami na maibabalik na rin ang sabong ASAP,” sambit ni Mitra.