top of page

Gamot mula pa Noong Sinaunang Panahon, Posibleng Makalunas sa Diabetic Foot Infection Ngayon


University of Warwick

Isang grupo ng mga mananaliksik mula sa United Kingdom ang nakahanap ng lunas para sa diabetic foot infection mula sa isang medieval manuscript, gamit ang bawang, sibuyas, wine at asin, na tinatawag na Bald's eyesalve.

Sa pag-aaral, tinatayang tataas patungong 10 milyon ang death resistance sa antibiotic sa darating na 2050 kaya naman ginagawa ng mga siyentista ang lahat upang magkaroon ng mas epektibong mga lunas, pero sa pagkakataong ito binalikan nila ang kasaysayan at natuklasan ang lumang pamamaraan na ito ng panggagamot.

Ayon kay Freya Harrison, isang microbiologist sa School of Life Sciences ng University of Warwick sa UK at author ng pag-aaral, posibleng maging napakalaking problema ng diabetic foot infection sa lipunan sa mga darating na taon kaya naman ginagawa nila ang lahat upang makadevelop ng isang lunas laban dito gamit ang medieval remedy na kanilang natuklasan.

bottom of page