• Estephany Rivera

General Sinas, Mananatiling NCRPO Chief

Tiniyak ni President Rodrigo Duterte na mananatili sa kanyang pwesto si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas pagkatapos itong kasuhan, kasama ng 18 iba pa, dahil sa di umano’y paglabag sa quarantine measures sa kaniyang birthday celebration.

Pinagtanggol ng pangulo ang NCRPO chief at iginiit na wala raw itong kasalanan kung hinarana siya sa kanyang kaarawan.

Isinaad pa ni Duterte na kakailanganin ang mga kapulisang tulad ni Sinas sa pagpapatupad ng batas lalo na’t ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Nanghingi naman ng paumanhin si Sinas sa nangyari ngunit ipinahayag wala raw mali sa selebrasyong naganap dahil nasunod naman daw ang social distancing at health measures nang maayos.

Tumanggi namang magbigay ng komento si PNP Chief PGen. Archie Gamboa ukol sa isyu at sinabing hihintayin na lamang nila ang desisyon ng korte sa kaso nina Sinas.

3 views