• Tj Ovivir

Giant Spider Car, Umarangkada sa Russia

Nagmistulang higanteng gagamba ang isang eight-wheel drive na kotseng inimbento ng isang Russian national na si Vagan Makaelyan.

Hindi naging madali ang pagbuo sa makasaysayang kotseng ito dahil dumaan ang spider car sa marami at mabusising proseso upang maging kapaki-pakinabang at praktikal pa din ito.

Kwento ni Makaelyan, sinubukan nilang gumamit ng maliliit na gulong noong una ngunit hindi ito kinaya ng spider car kaya iln beses din silang nagpalit, gayundin ang electric motor.

Upang ma-achieve ang giant spider feels, ilang beses din nilang nirebisa ang mga legs ng kotse upang mas magmukha itong makatotohanan.