top of page

Gilas, Nais ng Magbalik Ensayo


Photo from Facebook/ Smart Gilas Pilipinas.

Nais ni SBP President Al Panlilio na magbalik ensayo na ang mga GILAS players kahit wala pang kasiguruhan kung matutuloy ang pag bubukas ng FIBA Asia Cup sa darating na buwan.


Sakaling magsagawa ng bubble practice ang RP team ito ay gagawin nila sa Inspire Sports Academy sa campus ng NU sa Calamba, Laguna.


Ayon pa kay Panlilio, ang Executive Director ng FIBA na si Asia Hagop Khajirian ng Lebanon ay masusing sinusubaybayan ang isinasagawang PBA Bubble na posibleng gayahin umano ng FIBA ASIA Cup qualifiers.


Ang doubleheaders ng PBA ay ginagawa araw-araw at mapapanood ito ng livestream sa page at FB ng FIBA ASIA Cup. Ang pag-access ay geo-blocks sa China at US.


Magkakaroon ng pagpupulong ang FIBA Central Board sa November 6, na pag-uusapan ang schedule ng Continental Cup qualifiers.


Nakatakda ang laro ng Pilipinas sa South Korea sa Nobyembre 27, sunod sa Thailand November 30.


Inaasahan naman ang pagbubukas ng Nobyembre ay iurong sa Pebrero 2021, hanggang Hulyo kung saan ang 16 teams FIBA Asia Cup ay gagawin sa Agosto 17-29, 2021.


Excited na ang mga players ng Gilas sa pagbabalik ensayo nila. Nagkausap narin si Al Panlilio at coach Tab Baldwin na siyang mamumuno sa training ng National team para paghandaan ang FIBA.


Ang Gilas pool ay binubuo ng limang special draft ng PBA na sina Isaac Go, Mike at Matt Nieto twin brothers, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi. Kasama pa si Thirdy Ravena na mag-iimport sa Japan League, subalit hindi sigurado kung makakasama pa sa ensayo dahil paalis na ito ngayong Linggo patungong Japan.


Ang National team ay pawang mga school base na kailangan ipagpaalam sa kani kanilang Universities management tulad nina De Liano brothers, Ricci Rivero, at Kobe Paras na pawang taga UP Maroon's.

bottom of page