• Malou Manuel

Ginebra kontra NLEx Road Warriors sa Main Game ng PBA BUBBLE


Ngayon pa lamang ay excited na ang mga PBA supporters dahil sa magandang buwemanong laro ng PBA Bubble, kung saan mapapanood sa main game ang laban ng Brgy. Ginebra kontra sa NLEx Road Warriors sa ganap na alas 6:45 ng gabi.

Bago ang laban ng Gin kings at Road warriors ay mapapanood muna ang laban ng TNT Ka Tropa laban sa Alaska Aces.

Hindi naman magiging sagabal ang di paglaro ni Tinyente L. A. Tenorio na kagagaling lamang sa pagpapa-opera sa kanyang appendix at kakapanganak lang din ng kanyang asawa.

Sakali pumunta si L. A. sa laro ng Ginebra ngayong linggo, (Oct. 11) ay hindi ito maglalaro bagkus bibigyan niya ng moral boost ang kanyang mga teammates.

Samantala, wala rin kasiguraduhan kung nakakapaglaro si Japeth Aguilar dahil ayon kay Coach Tim, sa October 9 pa ang dating ni Aguilar sa Clark, Pampanga.

Sasandal ang mga manlalaro ni Coach Cone kina Scottie Thompson, Aljon Mariano, Arthur Dela Cruz, Stanley Pringle, at masusubukan ang mga rookies nilang sina Arvin Tolentino, Jerick Balanza at Kent Salado.