top of page

Glacier sa Italy, Kulay pink


Contributed Photo.

Nabahala ang mga scientists nang matuklasan na nagiging kulay pink ang niyebe sa Presena glacier sa northern Italy dahil sa hindi pangkaraniwang pagdami ng algae.

Ayon kay Institute of Polar Sciences at Italy's National Research Council Researcher Biagio Di Mauro, isang algae na tinatawag na Chlamydomonas nivalis ang nagiging dahilan ng pagbabago ng kulay ng yelo at mas mabilis na pagkatunaw nito.

Sinabi ni Di Mauro na bagamat normal lamang ang pagtubo ng algae, ang kulay daw nito ang dapat bantayan ng mga eksperto.

Mas mabilis matunaw ang yelo kapag mas maitim o mas makulay ang algae.

Inihayag ng mga researchers na kapag natunaw ang buong glacier, tataas ang sea levels ng halos 5 feet.

bottom of page