Gladys Reyes, Magbubukas ng Online Acting Class para sa mga Nais Pasukin ang Mundo ng Pag-Arte


Photo from Facebook.com/ForeverGladysReyes

Magbubukas ng isang online acting class ang kilala at respetadong aktres na si Gladys Reyes matapos makatanggap ng ilang inquiries mula sa mga taga-hanga nito tungkol sa kanyang pag-arte bilang kontrabida at para na rin sa mga may nais pasukin ang mundo ng showbiz.

Ikinwento ni Gladys, na nagsimula siyang sumabak sa Little Miss Philippines noong 1984 pagkatapos ay dumaan siya sa screen test ng isang pelikula ni Vilma Santos at doon na nagsimula ang kanyang karera bilang artista hanggang sa nagbukas ang maraming pinto para sa kanyang talento kabilang na ang pagganap niya bilang Clara sa teleseryeng “Mara Clara” noong dekada 90.

Ang online acting class ng aktres ay sukli niya sa industriyang kinalakihan at maging sa lahat ng kanyang natutunan noong siya’y nagsisimula pa lamang.