top of page

Gloves na Kayang Gawing Speech ang Sign Language, Naimbento ng UCLA Scientists


Contributed photo.

Kahit wala nang interpreter, maaari nang makipag-usap sa kahit sino ang mga pipi at bingi gamit ang isang high-tech gloves na kayang itransmit ang sign language gestures para maging speech.

Gamit ang sensor na nasa limang daliri na isesend sa isang smartphone gamit ang wireless technology, maaaring marinig ang voice version ng isang sign language word kada isang segundo.

Ayon sa mga imbentor at scientist mula sa University of California, Los Angeles (UCLA), nais nilang mapadali at mapagaan ang pakikipag-talastasan ng mga individwal na may komplikasyon sa pandinig at pagsasalita, at na mas madami pa sanang tao ang matuto ng sign language.

Samantala, mayroon ding face sensor ang nga gwantes na ito upang madetect ang facial expression ng gumagamit dahil bahagi ito ng American Sign Language, ang tanging version na kayang itranslate ng mga high-tech gloves.

bottom of page