Gobyerno, Magbabahagi ng 20 Million Halaga ng Libreng Face Mask para sa mga Mahihirap



Tinatayang 20 milyong halaga ng libreng face mask ang planong ibahagi ng pamahalaan para sa mga mahihirap kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naganap na pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Inihain ang plano kay Pangulong Duterte kasunod ng pag-anunsyo ng gobyerno na muling ibabalik ang buong Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa loob ng dalawang linggo dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso mula sa mga lugar na ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pananatilihin ang mahigpit na pagsunod sa health guidelines at protocols habang ipinamamahagi ang naturang face masks sa mga mahihirap.

Samantala, kasabay nang pagbalik ng MECQ sa mga nasabing lugar ay muling ipatutupad ang quarantine passes sa mga ito sa loob ng dalawang linggo.