Gobyerno Maglalaan ng Free Internet Access sa mga Eskwelahan

Planong paglaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang free internet access sa mga eskwelahan dahil kakailanganin ito ng mga mag-aaral sa bagong pamamaraan ng pag-aaral ng sektor ng edukasyon o ang digital learning sa kabila ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ang inatasang mangasiwa ng free internet connectivity sa mga paaralan bilang bahagi ng alternatibong solusyon sa pag-aaral ng mga estudyante.
Makikipagtulungan ang DICT sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at iba pang educational institutions sa deployment at installation ng Free Wifi Internet Access Service ng ahensya sa iba’t ibang institusyon sa bansa.
Samantala, hindi pa rin pinapayagan ng Pangulo ang face-to-face classes sa mga paaralan hangga’t wala pang nadidiskubreng bakuna laban sa COVID-19 ang bansa.