Google, Magdodonate ng $275 Million Bilang Suporta sa 'Black Owners' Laban sa Diskrimimasyon

Upang ipakitang kinokondena ng technology giant na Google ang diskriminasyon sa lahi, isa sa mga pangunahing isyu sa United States ngayon, magdodonate ito ng $275 million sa mga 'Black' na business owners, founders, employers, entrepreneurs at developers.
Inanunsyo ito ng kumpanya, ilang araw lamang matapos magbahagi ang Google-owned company na YouTube ng $100 million sa mga black content creators upang mas maging mabisa at epektibo ang kanilang mga videos sa platapormang ito.
Ipinahayag ng Chief Executive Officer ng Google na si Sundar Pichai, matapos pakinggang ang nga sentimyento at karanasan ng mga miyembro ng Black Leadership Advisory Group at Black+ Googlers, mas nabagabag siya sa iba't ibang hamon na kinakaharap ng mga black people, gaya ng diskriminasyon sa housing, edukasyon, healthcare, at maging sa trabaho.
Dagdag pa ni Pichai, sa susunod na limang taon, gagawa ang Google ng 'concrete commitments' upang magpakita ng suporta sa mga African-American, gaya ng pagbuo ng task force upang masiguro na may access sa kumpanyang ito ang mga minority groups, anti-racism educational programs, pagsuporta sa mental health ng black workers at marami pang iba.