top of page

Government Medical Frontliners, Sinimulan na ang Pag-aaral ng Sign Language


Sinimulan na ng mga medical frontliner ng gobyerno ang pag-aaral ng Filipino sign language para sa mga hearing impaired patients na nangangailangan ng agarang tulong medikal lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Kasalukuyang itinuturo ang Filipino sign language sa mga health workers mula sa rehiyon ng Calabarzon na mayroong pinakamataas na bilang ng rehistradong persons with disabilities na umabot na sa tinatayang 193,000.

Tiniyak naman ni Director Napoleon Arevalo ng Department of Health (DOH) Disease

Prevention and Control Bureau sa House Special Committee on Persons with Disabilities Affairs sa naging pagdinig kasama ang ilang mga kongresista na patuloy ang sign language training ng mga health workers kasabay ng pagsugpo ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Representative Ma. Lourdes Arroyo kasama ang ACT Teachers Partylist at Representative France Castro sa pamahalaan na patuloy paring tugunan ang mga pangangailangan ng persons with disabilities (PWDs) sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

bottom of page