top of page

Greta Thunberg, Nakibahagi sa Pagbabasura ng Anti-terror Law


Photo from Facebook.com/gretathunbergsweden

Nagpakita ng suporta ang kilalang Swedish climate activist na si Greta Thunberg sa pakikibaka ng maraming Pinoy upang ibasura ang bagong Anti-Terrorism Act sa Pilipinas.

Umani ng mahigit 19,000 likes at 7,000 retweets ang tweet ni Thunberg kung saan nanghihingi ng suporta ang 17-anyos sa mga climate activists sa Pilipinas at ginamit pa ang #JunkTerrorLaw.

Naglabas din ng pahayag ang Fridays for Future, isang global youth movement na itinatag ni Thunberg, na nagpapakita ng suporta sa mga climate activists at environmental defenders na maaari raw mapagbintangang mga terorista.

Nagpakita rin ng suporta ang international Pop icon na si Taylor Swift sa pagsalungat sa nasabing bill kung saan nagpost pa ito ng link sa isang online petition na magbabasura sa antiterrorism bill.

Samantala, binigyan naman ng sampung araw ng Korte Suprema ang administrasyong Duterte upang ipaliwanag kung bakit dapat hindi alisin ang nasabing batas.

bottom of page