Gretchen Ho, Mamamahagi ng Libreng Bisikleta para sa mga Manggagawa


Photo from Instagram/gretchenho.

Mamimigay ang TV host at sikat na volleyball player na si Gretchon Ho ng libreng bisikleta para sa mga mangagawang hirap sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho gawa ng kakulangan sa transportasyon at nang pandemyang kasalukuyang nararanasan ng bansa.

Noong nakaraang linggo ay naglunsad si Ho ng “Donate a Bike, Save a Job” na may layong tulungan ang mga mangagawang hirap sa pagpasok sa kabila nang mailagay ang ilang lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Sa social media post ni Ho, sinabi nito na mayroong 250 mountain bikes at folding bikes ang ipamamahagi sa deserving na mangagawa at naghayag din ito ng simpatya sa mga empleyadong hirap sa araw-araw na pag-commute para lamang makapasok sa trabaho.

Upang makatanggap ng bisikleta mula sa programa ng TV host ay maari lamang puntahan ang kanyang Instagram account at ilakip lamang sa comment section ang inyong kwento at maari ring mag-nominate ng deserving individuals para rito.

Nang umusbong ang pandemya ay namahagi na si Ho ng mga bisikleta bilang pagsuporta sa naging selebrasyon ng World Bicycle Day noong Hunyo sa bansa.