Gyms, Drive-in Cinemas Papayagan na sa GCQ Areas Simula Ngayong August 1



Pinayagan na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng gyms, fitness centers, pet grooming at iba pang uri ng establisyimento sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula ngayong August 1.

Kabilang sa mga papayagan ng gobyerno ay ang tourism, cultural, at entertainment establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine basta’t mahigpit na nasusunod ang 30% capacity rule ng mga ito.

Ang mga naturang establisyimento ay kinakailangang sumunod sa health protocols na ihahain ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

Nilinaw naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na non-contact sports lamang ang papayagan sa susunod na buwan gaya ng jogging, badminton, golf, tennis, range-shooting, swimming at skateboarding sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.