top of page

Halos 10 Milyon Kabataan, Nanganganib na Hindi Magbalik-Eskwela


Photo by Kelley Lynch/Global Partnership for Education

Batay sa datos na inilabas ng Save the Children, isang British charitable organization, nasa 9.7 milyon kabataan sa buong mundo ang nanganganib na hindi na makabalik sa kanilang mga pag-aaral.

Sinabi din ng British charity na nasa 90% ng lahat ng mag-aaral sa mundo ang sapilitang napaalis sa kanilang paaralan o unibersidad dahil sa COVID-19 at maaaring raw itong itulak ang 90 hanggang 117 kabataan sa kahirapan.

Dagdag pa ng Save the Children na nasa pagitan ng 7 hanggang 9.7 milyong kabataan ang permanenteng di na magbabalik sa pag-aaral dahil na rin sa pangangailangang magtrabaho o maagang pagpapakasal.

Sinabi ni Save the Children Chief Executive Inger Ashing na ito ay isang education emergency at kailangan ang agarang pag-aksyon at pag-invest sa pagkatuto ng mga gobyerno.

bottom of page