Handshakes Ban Isinulong!
Inihain ni Senator Sonny Angara ang resolusyon na nagbabawal ng ‘handshakes' o pakikipagkamay sa mga tao upang mapigilan ang pagkalat ng bacteria at virus sa bansa.
Ayon kay Angara, nakasaad sa Senate Resolution No. 374 na sa kabila ng “social graces” ang handshake o pakikipagkamay ay nagbabanta sa kalusugan ng bawat isa dahil mas mabilis na naipapasa ang anumang sakit at respiratory viruses.
Ani Angara, sa isang pag-aaral ng American Journal Control nasasalin ang E. coli bacteria sa pamamagitan ng pakikipagkamay kumpara sa fist bumps at high five.
Dahil dito, hinihikayat ang bawat isa na huwag nang makipagkamay o ‘handshakes’ bilang pagbati para na rin sa kapakanan at proktesyon ng sarili at nang iba pang tao.
