'Hari ng Kalsada', Pwede nang Lumarga Simula July 3, ayon sa LTFRB

Simula sa Biyernes, July 3, maaari nang bumyahe ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa mga awtorisadong ruta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong Metro Manila.
Sa halip na gumamit ng permit, QR code ang gagawing palatandaan para sa mga jeep na papayagang umarangkada at dapat na nakadikit ito sa harap ng sasakyan Downloadable ang QR code na ito sa website ng LTFRB.
Dapat din kumpirmado na ng Land Transportation Office na 'roadworthy' ang mga jeepney na ito at mayroon silang Personal Passenger Insurance Policy.
Bukod dito, idiniin din ng LTFRB na kailangang masunod ang minimum na pamasaheng P9 simula sa apat na kilometro ng byahe na madagdagan ng P1.50 kada-kilometro at walang pagtaas ng pasahe ang mangyayari.