‘Hatid Estudyante’ Program Plano ng DOTR
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Transporation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘Hatid Estudyante’ program para sa mga mag-aaral na hanggang ngayon ay stranded parin sa kanilang mga dormitoryo at iba pang tinutuluyan habang umiiral ang lockdown sa ilang parte ng bansa.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, kung sakaling aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing programa ay magkakaroon ng ‘online platform’ kung saan pwedeng magpalista ang mga estudyanteng nais magpahatid pauwi sa kanilang mga probinsya.
Sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) lumabas na nasa 9,000 na estudyante ang stranded parin hanggang ngayon sa kanilang mga dormitoryo.
