top of page

Hazard Pay para sa Utility, Security Personnel ng Pampublikong Ospital, Isinulong sa Senado


Isinulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagbibigay ng hazard pay sa mga janitors, security guards, at maintenance personnel na nagtatrabaho sa mga public hospitals.

Binigayng diin ni Recto ang mababang sweldo ng mga ‘essential workers’ at sinabing nahaharap din ang mga ito sa high-risk work tulad ng medical frontliners.

Nanawagan ang senador sa Department of Health (DOH), Department of Budget and Management (DBM), at Kamara na bumuo ng isang batas na magtataas sa sweldo ng mga nasabing manggagawa.

Isinama ni Recto sa kaniyang mga gustopng tulungan ang mga sanitation workers, housekeepers, janitors, security guards, equipment and building maintenance staff na nagtatrabaho sa mga pribadong kumpaniyang tumutulong sa mga pampublikong ospital.

bottom of page