PNP Nagbanta ng Massive Arrest Laban sa mga ECQ Violators

Updated: Apr 24

Nagbanta ng "Massive Arrest" ang Philippine National Police (PNP) kung magpapatuloy ang mga paglabag ng publiko sa umiiral na Enhanced Community Quaratine sa buong Luzon.

Inatasan ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang National Capital Region na maghanap ng detention facilities na maaring paglagyan ng mga maaaresto.

Ayon kay Gamboa, ang sinumang mahuhuling lalabag ay hindi na bibigyan ng warning at agad itong aarestuhin. Sinabi rin nito na kailangang ipatupad ang batas para na rin sa kapakanan ng iba lalo na ngayong mas pinahigpit pa ang lockdown.

Dagdag pa ni Gamboa, dapat na magpakita ng kooperasyon o pagsunod ang publiko upang hindi maipatupad ang mala-martial law na quarantine.




24 views