top of page

Viral Audio Clip sa Total Lockdown, Fake News

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na fake news ang kumakalat sa social media na audio clip ng isang babaeng nagbabala na magpapatupad ang pamahalaan ng 'total lockdown' at ituturing itong 'martial law type'.


Ayon kay DILG spokesman Usec. Jonathan Malaya, walang anumang direktiba ang pamahalaan tungkol dito at maging ang Pangulo ay wala pang desisyon sa nasabing total lockdown.

Kasalukuyang kumikilos ang mga otoridad sa pag-iimbestiga kung sino ang nagpakalat ng nasabing audio clip.

Paalala naman ng Philippine National Police (PNP) na maging mapanuri ang publiko sa kinukonsumong balita at pigilang magkalat ng unverified na impormasyon.






bottom of page