top of page

Healthcare Workers at Government Employees, Hinimok ng MMDA na Gamitin ang Libreng Sakay sa PRFS


Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga healthcare workers at government employees na gamitin ang libreng sakay ng Pasig River Ferry Service (PRFS) ngayong nasa ilalim ng modified community quarantine ang Metro Manila.

Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, magmula nang ipataw ang MECQ sa buong Metro Manila at mga karatig probinsya kung saan itinigil ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon ay wala pa aniyang sumusubok sa libreng sakay ng PRFS para sa mga health at government workers.

Nilinaw ni Pialago na hindi lamang para sa mga doctor at nurses ang libreng sakay ng PRFS na hatid ng MMDA kundi kabilang din ang mga hospital personnel gaya ng garbage collectors at canteen staff.

Kinakailangan lang ipakita ang identication cards na siyang nagpapatunay na sila ay healthcare worker at empleyado ng gobyerno upang mapakinabangan ang libreng sakay tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.

bottom of page