Heart Evangelista, Ibinenta ang Sariling Paintings para Makabili ng Tablets para sa mga Estudyante


Photo from Instagram.com/iamhearte

Ibinenta ng aktres na si Heart Evangelista ang ilan sa kanyang sariling gawang paintings para makabili ng mga gagamiting educational tablets ng mga estudyante ngayong pasukan dahil ang digital learning ang pinakamainam na opsyon ng sektor ng edukasyon sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 sa buong bansa.

Ang perang nalikom mula sa pagbebenta ng sariling gawang paintings ng aktres ay pinambili ni Heart ng 550 tablets na ibabahagi sa mga mag-aaral na walang access sa online learning.

Matatandaang inanunsyo ni Heart sa kanyang social media account na magpapamigay ito ng educational tablets para sa mga batang walang gagamiting gadget sa alternatibong solusyon sa pag-aaral ng Department of Education (DepEd).

Samantala, mahigpit paring pinagbabawal ang face-to-face classes ngayong pasukan hangga’t wala paring nadidiskubreng bakuna laban sa virus.


Basahin ang pahayag ni Heart: