• Radyo Pilipino News Team

‘Herbal Tea’ Ginagamit na Lunas sa COVID sa Madagascar

Dala ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga kalapit nitong bansa, naglunsad ng isang herbal remedy ang bansa ng Madagascar bilang lunas sa global pandemic.

Inanunsiyo ni Madagascan President Andry Rajoelina ang Covid-Organics na isang herbal tea at di umano’y isang mabisang gamot sa COVID-19.


Sinuportahan ni Rajoelina ang pahayag nang sinabing matagumpay na raw itong nakagamot ng dalawang kaso ng sakit sa kanilang bansa.

Idinagdag pa niya na makikita at madarama ang resulta ng tsaa sa loob lamang ng pitong (7) araw.

Ayon sa Covid-Organics Developer Malagasy Institute of Applied Research, ang herbal tea ay gawa mula sa halaman ng artemisia, na kilalang gamot sa malaria, at iba pang lokal na halamang gamot sa Madagascar.