Hidilyn Diaz, Balik Ensayo sa Weightlifting Gym!


Photo from facebook.com/hidilynweightlifter

Nagbalik ensayo ang Olympian weightlifter na si Hidilyn Diaz sa weightlifting gym matapos ang tatlong buwan na training niya sa parking lot ng kanyang tinutuluyan dahil sa mahigpit na health protocols ng Malaysian government sa kabila ng kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Makalipas ang tatlong buwan ay naging maluwag na ang mahigpit na restriksyon ng bansang Kuala Lumpur kung saan nakabase ngayon si Diaz.

Kung dati ay gamit lamang ang mga gallons bilang “do-it-yourself” gym equipments, ngayon ay puspusan na ang kanyang regular na pageensasyo sa isang weightlifting gym sa Kuala Lumpur bilang paghahanda sa nalalapit na sports event para makarating sa Tokyo Olympics 2020.

Noong nakaraang Pebrero pa nasa Malaysia ang Pinay athlete at kasalukuyang pinagplaplanuhan pa kung kailan ito uuwi sa bansa.