• Estephany Rivera

Hidilyn Diaz, Wagi sa Online Weightlifting Competition



Panibagong parangal na naman ang ibinigay ni Olympic Silver Medallist Hidilyn Diaz sa Pilipinas pagkatapos nitong magkampyon sa online Eleiko Email International Lifters Tournament-59kg division noong Hulyo 24-25.

Nakapagbuhat ng kabuuang 216kgs si Hidilyn pagkatapos niyang makumpleto ang 95

kgs snatch at 121kgs clean and jerk sa nasabing kompetisyon.

Sa panayam kay Diaz, sinabi ng Olympian na hindi raw niya inaasahan ang pagkapanalo

dahil hindi niya kilala ang kaniyang mga kalaban.

Natalo ni Diaz si Fatima Yakubu ng Australia na nakapagbuhat ng 183kgs at Johanni

Taljaard ng South Africa na nakapagbuhat ng 188kgs.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Diaz ang Eleiko Sport dahil nagamit raw niya

ang kompetisyon upang makapaghanda at makondisyon ang kaniyang sarili para sa

Tokyo Olympics sa July 23-August 8, 2021.

Nag-eensayo si Diaz ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan siya inabutan ng

COVID-19 lockdown noong February.