Higanteng Bituin ng Malayong Galaxy, Biglang Naglaho

Ikinagulat ng mga astronomers ang biglang paglaho ng isang malaking bituin mula sa Kinman Dwarf galaxy, na may layong 75 million light-years, na halos 10 taon na nilang inoobserbahan.
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Royal Astronomical Society, ang paglaho ng malaking star ay resulta ng pagdilim nito at natakpan ng dust o di kaya’y namatay na at kinain ng isang black hole.
Ayon sa may-akda ng pananaliksik na si Andrew Allan, kung totoo ang kanilang hinala, ang paglaho ng bituin ang kauna-unahang detection nila ng pagkamatay ng isang monster star sa ganitong pamamaraan.