Hindi Pagsusuot ng Face Masks sa Kuwait at Qatar, Ikukulong at Pagmulutahin

Sisimulan na ng bansang Kuwait at Qatar ang pagpapakulong at pagmumulta sa sinumang mahuhuling lalabag sa hindi pagsuot ng face mask bilang proteksyon laban sa laganap na pagkalat ng virus.

Magpapataw ng tatlong buwan na pagkakakulong ang bansang Kuwait at tatlong taon naman sa Qatar. Kasabay nito ay mayroon ding magiging multa ang sinumang mahuhuli na aabot sa 5,000 dinars ($16,200) sa Kuwait. Samantala, 200,000 riyals ($55,000) naman sa Qatar.

Pumapangalawa ang Qatar sa highest infection count na nakapaloob sa six Gulf states na mayroong 32,600 cases ng virus. Mayroon namang tinatayang 137,400 infections

mula sa virus ang lahat ng nasa ilalim ng six Gulf states.



4 views