top of page

Hirap sa Pagtulog Nararanasan Habang Lockdown!


Bukod sa kabuhayan at iba pang industriya na nahihirapan dahil sa kasalukuyang pandemyang nararanasan ng buong mundo, isa rin ang pag-tulog sa mga pasanin ng karamihan ngayong lockdown.

Mula sa health advice maker ng Withings, bagama’t mahaba na ang pagtulog sa panahon ngayon, hindi parin maganda ang sleep quality ng mga tao bunga ng stress, pangamba at iba pa.

Ayon kay sleep specialist Brand Peters-Mathews, dahil sa kasalukuyang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19 ay tumataas ang level ng cortisol at stress hormone ng tao na nagiging sanhi ng insomnia sa iba.

Unti-unting nababago ng lockdown ang sleep cycles ng mga tao kaya mas mainam na panatilihin natin ang pagiging produktibo at ilaan ang mga panahong ito sa mas makabuluhang bagay sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong mundo.

bottom of page