top of page

Hong Kong Disneyland, Isasara ulit dahil sa COVID-19


Dalawang araw pa lamang simula nang magbukas ang Walt Disney World sa Orlando, Florida, inanunsiyo ng Walt Disney Co. ang pansamantalang pagsasara ng Hong Kong theme park dahil sa tumataas na bilang ng coronavirus cases sa siyudad.

Ito’y pagkatapos maitala ang 52 bagong cases ng COVID-19 sa Hong Kong, at hinigpitan ng gobyerno at health authorities sa siyudad ang efforts nito laban sa sakit.

Sa pahayag ng isang Disney spokesman, magsisimula ang temporary closure ng pasyalan sa July 15 ngunit mananatili pa rin bukas ang mga hotels ng Hong Kong Disneyland Resort sa mga turista.

Siniguro naman ng kumpaniya ang publiko na striktong sumusunod sa health and safety measures ang hotels at gumawa ng ilang pagbabago upang masiguro ang kaligtasan ng mga customers.

bottom of page