Hospital Beds para sa mga COVID-19 Patients, Pinadadagdagan ng DOH Hanggang 70%

Inatasan ng Department of Health ang mga hospital na magkaroon ng karagdagang hospital beds sa mga public medical institution upang mas makapag-accommodate ng mas maraming COVID-19 patients at maging handa sakaling biglang magkaroon ng malawakang infection.
Ayon sa pahayag ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, ang mga pampublikong ospital ay pinapayuhang magdagdag ng 50% sa bilang ng hospital beds, pero kung nagkaroon ng surge, maaari nila itong taasan hanggang 70%. Samantala, ang mga private hospital naman ay pwedeng magkaroon ng 20% increase at 30% kung talagang kinakailangan sa panahon ng surge.
Dagdag naman ni Dr. Jaime Almora, presidente ng Philippine Hospital Association, hindi magiging madali ito dahil sa kakulangan sa mga nurses at personal protective equipments, pero kung hindi na kaya ng mga public hospitals, magiging bukas ang mga private institutions para sa mga pasyente.