top of page

Hospital Care Facilities sa Cebu City, Isinailalim sa “Warning Zone”


Photo for illustration purposes only.

Isinailalim sa “warning zone” ang mga hospital care facilities sa Cebu City matapos ang hindi inaasahang pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso sa sakit na coronavirus disease 2019 nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang occupancy rate ng lungsod para sa pansamantalang pasilidad ng treatment at monitoring ng mga pasyente ay nasa 13 percent, habang ang beds utilization rate naman ay nasa 58 percent.

Ani Vergeire, wala pa naman sa critical level ang hospital care facilities sapagkat 70 percent ang kailangan para masabing kritikal na ang lagay ng lungsod mula sa paglaban nito sa COVID-19 ngunit isinailalim na sa warning zone ang Cebu City.

Dagdag ni Vergeire, isa ito sa mga rason kung bakit isinailalim sa Enhanced community quarantine ang buong lungsod hanggang June 30.

bottom of page