Huawei, Banned na sa Britain

Inanunsiyo ni Britain Digital Minister Oliver Dowden ang pagbabawal sa Chinese Telecom giant Huawei mula sa 5g network providers ng bansa sa kabila ng mga banta ng pagganti ng Beijing.
Sinabi ni Dowden na simula sa katapusan ng taon ay bawal ng bumili ang mga UK telecom providers ng 5g equipment mula sa Huawei, na siyang supplier ng mga ito sa loob ng halos 20 taon.
Sa bagong guidelines na inilabas ng digital ministry, inaasahan ng bansa na maialis ang lahat ng 5g equipment ng Huawei sa 2027.
Sinabi naman ni Huawei UK Spokesman Ed Brewster na ‘disappointing’ raw ang desisyon at kung paano napolitika ang kinabukasan ng kumpaniya sa bansa.
Ginawa ni Dowden ang anunsiyo pagkatapos makipulong kay Prime Minister Boris Johnson at sa National Security Council ng Britain.