Human Rights UN Chief, Pinigilan si Pangulong Duterte sa Pagkasa ng Anti-terrorism Law

Matapos umingay sa pandaigdig na ekonomiya ang panukalang batas may kaugnayan sa anti-terrorism law, hindi naiwasan ni United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na payuhan si Pangulong Rodrigo Duterte huwag na lamang aprubahan ang batas.
Ayon kay Bachelet, magbibigay ito ng malabong interpretasyon sa pagkakaiba ng criticism, criminality at terrorism, dahil kadalasan nang nakikita ang mga human rights defenders bilang mga terorista at kalaban ng pamahalaan, kasabay ng pagsasabi niyang mahigit nasa 248 na aktibista para sa karapatang pantao ang napatay mula 2015 hanggang 2019.
Dagdag pa niya, dapat na magkaroon ng masinsinang consultation process ang palasyo kasama ng lehislatura upang maiwasan ang maling paggamit ng batas na maaaring maging dagok sa karapatang pantao at freedom of expression.
Sinabi naman ni Bachelet na handa ang UN Human Rights Council na tulungan ang pangulo sa pagsusuri sa panukalang batas.