Hunyo o Hulyo pa Ligtas Lumabas Batay sa Health Capacity ng Bansa
Updated: Apr 24, 2020
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni National Economic Develop Authority (NEDA) chief at Socio-Economic Planning Secretary Karl Chua naposibleng Hunyo o Hulyo pa ligtas lumabas batay sa health capacity at testing capacity ng bansa.
Maaring mag-peak aniya ang COVID-19 infection sa mga nasabing buwan.
Sinabi ni Sec. Chua, higit na nakasalalay sa mga mamamayan ang panuntunan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng social distancing, palagi ang paghuhugas ng mgakamay at pagsusuot ng face masks at maging ang kakayahan ng mga ospital sa bansa ang angkop na oras para i-modify ang ECQ.
Dagdag pa ng kalihim na wala pang ligtas na panahon para lumabas kaya ugaliing gawin ang mga preventive measures para malabanan ang krisis na kinakaharap ng bansa.
