top of page

Hurricanes, Typhoons at Cyclones Mas Magiging Malakas pa Ayon sa Bagong Pag-aaral

Sa bagong pag-aaral ng National Oceanic and Atmospheric Administration at University of Wisconsin ay mas magiging malakas pa at ‘potentially more deadly’ ang mga hurricanes, typhoons at cyclones dulot ng climate crisis na kasalukuyang nararansan ng buong mundo.

Natuklasan ng mga hurricane researchers sa 40 years na satellite data ng global storms ay may posibilidad na umabot ang hurricane status ng mundo mula category 3 o mas mataas pa kumpara sa Saffir-Simpson scale na may hanging higit sa 110 mph na posible pang magbago at tumaas sa mga susunod na dekada.

Nabuo ang bagong pananaliksik sa nakaraang pag-aaral ng mga eksperto tungkol sa posibilidad na mas magiging malakas pa ang mga paparating na mga bagyo na maaring maranasan sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sinasabi din sa pag-aaral na tumaas pa ang temperature ng sea surface sa mga rehiyon kung saan nabubuo ang tropical cyclones.

Bunsod sa mainit na temperatura kasama ang pagbabago ng atmospheric conditions ay nagiging sanhi ito para madaling maabot ang mataas na intensities ng bagyo.



bottom of page