Hydroxychloroquine, Hindi Epektibong Pangontra sa COVID-19, Ayon sa WHO

Kamakailan lamang ay natuklasan ng mga siyentista ang hydroxycholoroquine bilang gamot sa COVID-19, pero matapos ang ilang pagsusuri, kinondena ito ng World Health Organization (WHO) at sinabing mababa ang tsansang magamot nito ang naturang sakit, kasama ang lopinavir at ritonavir.
Resulta nito ang pagpapahinto ng WHO sa clinical trials at researches may kaugnayan sa hydroxychloroquine, lopinavir at ritonavir.
Samantala, patuloy namang gagamitin ang hydroxychloroquine upang gamutin ang malaria, pati na ang lopinavir at ritonavir upang maging lunas pa rin sa HIV.
Umaasa naman ang WHO na malapit nang matuklasan ang pinaka-episyenteng gamot upang malunasan na ang COVID-19 sa buong mundo.