IATF Nagbabala Kontra Internet Scam
Updated: Apr 21, 2020
Nag-abiso ang Inter-Agency Task Force na mag-ingat sa kumakalat na phishing o internet scam.
Ayon sa datos ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime division at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay mayroon isang daang porsyento ng reported cases ng internet scam sa bansa.
Inabisuhan ni IATF spokesman, Karlo Nograles ang publiko na huwag basta-bastang ibibigay ang bank account details at password at kilatising mabuti ang mga online transactions gaya ng online banking, pamimili ng groceries online at pagsali sa iba't ibang donation drive.
Para sa mga makakaranas ng kahina-hinalang transaksyon ay maari itong ipagbigay alam sa hotline ng NBI.
