IATF Nagpalabas ng Guidelines para sa mga Malls sa ilalim ng GCQ

Wala munang “Sale events” at “Free wifi” sa mga malls at office spaces sa ilalim ng ‘New normal” para maiwasan ang pagkalat ng corona virus disease o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases, lilimitahan ang mga bilang ng mga tao sa loob ng mall at mahigpit ang obserbasyon ng ‘foot traffic’ at ‘safe distancing’ na may layong two square meters sa bawat pagitan at maging sa paggamit ng mga escalators at elevators mahigpit parin ang pagpapatupad ng social distancing measures.

Aalisin ang ‘free wifi’ at walang ‘sale events’ na magaganap dahil pwede itong magdulot ng dagsaan ng mga tao at posibleng hindi matiyak ang kaligtasan sa hindi pagsunod sa social distancing measures laban sa nakahahawang sakit.



9 views