IATF, Niluwagan ang Age Limit ng mga Bumibisita sa Boracay

Matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isinumiteng proposal ng Department of Tourism (DOT), Niluwagan na ng ahensya ang age limit requirement para sa mga residente ng Western Visayas na nagnanais bisitahin ang tinaguriang world-famous island na Boracay sa probinsya ng Aklan.
Ipinagbigay alam ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat kay Tourism Congress of the Philippines (TCP) President Jose Clemente III na inaprubahan na ng IATF ang kanilang rekomendasyon sa pagpapaluwag ng age limit requirement ng mga inaasahang bibisita sa naturang isla.
Bagama’t iniangat na ang pagbabawal sa mga bata at matatanda na pagbisita sa
Boracay ay mananatili parin ang dati nang umiiral na polisiya kung saan pinapayagan lamang ang mga residente ng Western Visayas region na dalawin ang isla, ibig sabihin ay ekslusibo lamang sa mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental ang tinaguriang world-famous island.