Ibang Establisyimento at Simbahan, Papayagan na sa Ilalim sa MGCQ


Muling magbubukas sa ilalim ng modified general community quarantine ang ilang mga establisyimento at sektor gaya ng barbershops, gyms at maging ang simbahan ay papayagan na sa darating na Hunyo.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang mga sektor na nakapaloob sa “category 4” o ang mga industriyang hindi maiiwasan ang pagkakaroon close contact sa tao ay papayagan na sa ilalim ng modified GCQ na mayroong low risk ng COVID-19 infections.

Ang mga personal care services at sports facilities ay kabilang din sa bubuksan, pati ang mga restaurant ay maari na ring tumanggap ng dine-in ngunit 50% lamang ng capacity ang papasukin para mapanatili ang mahigpit na pagsunod sa social distancing.