Ibuprofen bilang Lunas para sa mga COVID-19 Positive na may Respiratory Failure, Susubukan sa London

Sa pangunguna ng King's College London (KCL) at SEEK group, isang pharmaceutical organization, ilang mga British na doktor ang gumawa ng isang bagong formulation ng gamot na ibuprofen para sa mga COVID-19 positive patients na may breathing difficulties.
Lisensyado na ang bagong formula ng naturang gamot at nakatakda na itong subukan sa mahigit 230 na pasyente sa ilalim ng clinical trial na tinawag nilang "LIBERATE".
Nauna nang sinabi ng Health minister sa France na palalalain lamang ng anti-inflammatory drugs, gaya ng ibuprofen ang COVID-19, ngunit pinabulaanan ito ng US, British at European Union at sinabing hindi naman ito mapanganib na gamitin.
Dagdag pa ni Mitul Mehta, director ng KCL's Centre for Innovative Therapeutics, walang ebidensya ang mga pahayag ng France dahil isang bagong formulation ang nakasadyang gamitin para sa pagsusuri at pag-aaral na ito.