• Tj Ovivir

Ikalawang Bahagi ng Labi ng mga OFW mula Saudi Arabia, Darating na sa Bansa Ngayong July 20


Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (OFW) ang pagdating ng mga labi ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa darating na July 20.

Ayon sa kagawaran, nakatakda sanang dumating ang mga bangkay ngayong Lunes, July 13 ngunit nakipagkasundo ang Philippine Embassy sa Riyadh na ikansela ito at gawin na lamang sa July 20 upang mas maraming labi ang maiuwi dito sa Pilipinas.

Noong nakaraang Biyernes, matatandaang 49 na mga labi ang dumating sa Villamor Airbase at bahagi sila ng unang batch ng 274 OFWs mula KSA na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.