top of page

Ilang Jeepney Drivers sa Metro Manila, Maaari nang Umarangkada bilang mga Delivery Service Vehicles


Kasabay ng COVID-19 pandemic, libo-libong jeepney drivers sa Metro Manila ang nawalan ng hanap-buhay dahil sa community quarantine protocol, kaya naman inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng i-hire ang mga hari ng kalsada bilang mga service para sa iba't ibang delivery ng mga produkto.

Dahil hindi pinahihintulutan ang pamamasada sa mga jeep dulot ng panganib nito sa social distancing, nagsagawa naman ng seminar sa ilang jeepney drivers na pumayag sa ganitong sistema ang Quezon City government matapos makipag-tie up sa isang delivery service app.

Kailangan ang mga driver ay hindi bababa sa 21-anyos, malusog, may smartphone para sa booking, barangay, police o NBI clearance, mga legal na dokumento ng jeep at mga larawan nito pati na ang driver.

Hindi naman kinontra ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang programang ito hangga't may special permit ang mga driver na maaari na nilang makuha online.

bottom of page