• Admin

Ilang Lugar sa Bansa Pasok sa WWF Climate Safe Cities Contest

Nakapasok sa finals ng World Wide Fund for Nature (WWF) One Planet City Challenge (OPCC) ang mga siyudad ng Batangas, Muntinlupa, at Santa Rosa, Laguna. Ang WWF ay isang pandaigdigang kompetisyon na kumikilala sa mga siyudad na may epektibong climate change action plans at efforts sa pagbawas ng carbon emissions.

Kasama din sa finals ng WWF ang Vancouver sa Canada, Reykjavic sa Iceland, Mexico City, Paris, Los Angeles City, and Dong Hoi City sa Vietnam. Ipinarating ni WWF-Philippines Executive Director Jose Angelito Palma ang paghanga sa tatlong siyudad ng bansa at iba pang mga kasali sa patimpalak sa kanilang kontribusyon na makagawa ng ligtas at sustainable na kinabukasan.



8 views