Ilang Ranggo sa AFP, Pinalitan ang Pangalan

Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalit ng pangalan ng ilan sa mga ranggo nito at pagdaragdag ng ilang posisyon na hawig sa military positions ng United States of America.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang mga pagbabago ay aksyon upang gawing mas matugon ang institusyon sa mga 'di pangkaraniwang banta sa kasalukuyan at hinaharap.
Sa Department of National Defense (DND) order No. 174 na nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong June 19, si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos, Jr. ay siya na ring Chairman of the Joint Chiefs, samantalang Vice Chairman of the Joint Chiefs naman ang dating AFP Vice Chief of Staff.
Hihirangin ng Chief of Joint Staff ang Deputy Chief of Staff, Chief of the Army ang Commanding General ng Philippine Army, Chief of Air Force ang Commanding General ng Philippine Air Force, at Chief of Navy ang Flag Office in Command ng Philippine Navy.
Binaggit din sa memorandum ni Lorenzana na magkakaroon ng isang collective body, AFP Joint Chiefs, na magsisilbing advising committee ng Pangulo bilang Commander-in-Chief at ng Defense secretary.
Bubuoin ito ng Chief of Staff/Chairman of the Joint Chiefs, Vice Chairman of the Joint Chiefs, Chief of the Joint Chiefs, Chief of Army, Chief of the Air Force, at Chief of the Navy.
Iniutos din Lorenzana ang pagbabago ng pangalan ng mga posisyon sa AFP general
headquarters, Army, Air Force, at sa Navy.