top of page

Ilang Siyentista, Naniniwalang Airborne ang COVID-19 Matapos ang Isang Pag-aaral


Matagal nang pinanghahawakan ng World Health Organization (WHO) na nakahahawa lamang ang COVID-19 sa pamamagitan ng respiratory droplets, pero nakatanggap ang organisasyon ng isang liham mula sa 239 siyentista mula sa 32 bansa na nagsasabing airborne 'di umano ang sakit na ito.

Ang liham ay naglalaman ng outline at resulta ng isang pag-aaral kung saan lumilitaw na kahit ang mga mas maliliit na particles ang nakapagdadala ng coronavirus.

Sa isang statement na nilabas ng WHO, sinabi nilang naniniwala pa rin sila na ang airborne na transmission sa virus ay posible lamang kung sasailalim ito sa isang medical procedure na nakakapag-produce ng aerosol at liliit kaysa sa 5 microns.

Samantala, pinabulaanan ni Dr. Benedetta Allegranzi ng WHO ang claim na ito at sinabing hindi sapat at nakakukumbinsi ang ebidensyang inihain ng mga scientist.

bottom of page